Irregular 2nd Yr Medical Student

At first, I thought online med school will become easy for me because I am at home with a good internet connection and I can listen to lectures at my own pace because during face to face classes I am solo sa dorm and ako lahat nagaasikaso ng daily needs ko and I have to pay always sa broadband wifi every week. And during classes ang hirap magdocument kasi marami kami sa classroom like 100+ and then hirap magnotes kasi mabilis magsalita ang prof or nasa dulo ka ng upuan and I need to be there early and makipagunahan sa seats. But I suddenly realized as online med school is ongoing hindi din pala magiging easy yung med school journey ko kasi it seems like nasa bahay na nga tayo ang thinking ng schools is we could finish our tasks on time and no excuses. We could also easily adjust sa schedule kasi wala naman tayong ibang gagawin. If you read my past blog posts about online med school you can see na halos 24/7 akong nag aaral kasi gabi ang quizzes and exams namin and maghapon yung lecture namin. Lalo na this 2nd yr na super dami ng subjects and may times na late na ako kumakain and di naliligo just to listen sa lecture and makapagdocument ng maayos sa lecture.

So bakit nga ba ako naging irregular med student?

  1. Naging complacent ako about online med school
    • Ang hirap maging complacent. And I want to be honest with you, since online classes na ngayon madali na tayo makapag open notes sa quizzes especially nung bago pa lang ang conducting ng online classes. And I also open my notes kaya ako nakapasa din ng 1st yr and passed mostly my 2nd yr subjects but KARMA is real my friends. Having passed is good but I realized I havent learned much. And dito pa lang nag sink in sa akin na ang subjects ng boards 90% is from 1st and 2nd yr and 10% na lang is yung learnings during clerkship and internship (base on my observations). And super dami ng topics covered sa isang subject pa lang and what more kung nagpakapuchu lang yung aral ko. I know di ako nag-iisa dito and I know you agree with me and also my schoolmates na sa kagustuhan natin pumasa and maging MD agad we tried to open our notes kasi sayang sa panahon and pera. But does it really gave us a good foundation and assurance na hindi tayo makakapatay ng pasyente or maging negligent doctor in the future?

  1. I entered med school for the wrong reasons
    • If nabasa niyo yung isa kong posts sa OLFU Med school FAQ’s nakalagay duon yung bonus questions on why did I chose OLFU as my med school and it included na because na-influence ako ng ex-gf ko yes ex ko na siya ngayon haha well marupok kasi ako before ngayon less marupok na lang hahah but seriously I became dependent sa tao na yun sa major decisions ko. Di ko siya binablame kasi ako naman talaga gumawa ng decisions ko in life. Aaminin ko sa inyo, ayoko talaga mag-aral sa OLFU kasi malayo and hindi ko bet yung culture nila. If I were to turn back time mas ipupush ko yung application ko sa San Beda but then yun nga need ko pa kasi mag-retake noon pero I think I am just making excuses para lang makasama yung ex ko. And then here comes the time na pumasok na ako sa OLFU and everything went shit kasi super dami namin sa isang batch, yung culture kakaiba unlike noon sa La Salle na very friendly and calm yung vibes and super organize ng admin and system. Ibig ko ren sabihin sa everything went shit is lagi akong tinatamad mag-aral kasi iba ang study style sa med school and iba ren sila magpa-exams, also maraming di totoong tao sayo or mabait lang kapag may kailangan, tsaka I live alone and yun nga I became dependent sa motivation ko sa ex ko. I became insecure sa pabibo kong classmates thinking na madalas sila magrecite and mavery good sa reports pero bokya pala sa exams haha
    • Ganun siguro talaga may point sa life natin na makakagawa tayo ng maling decisions sa life. I am not saying na OLFU is a trash school ha kasi lahat naman ng schools ay may pros and cons. What I am trying to say is nakakalimutan ko yung totoo kong reason bakit ako pumasok ng med school, which is to become a doctor and I am blessed enough para makapag-aral sa med school. Para lang yan na binigyan tayo ng magulang natin ng isang bagay pero hindi siya branded kaya we think na baka eto yung maging dahilan para makamit natin yung pangarap natin. But take note, hindi ibig sabihin na wala kang branded na gamit is di ka na magsucceed in life. Mayroon ibang tao na halos branded lahat ang gamit niya pero hindi naman niya ginagamit ng maayos and parehas lang kayong depressed in life, so I think it’s a shallow reason to predict kung matutupad natin yung dreams natin or not.

  1. Masyado kong fin-eed yung ego ko
    • During my entire 2nd yr life gumawa ako ng trans team which is if pumapasok kayo sa OLFU med then batch 2023 kayo siguro kilala niyo yung TLOY trans. I am one of the founding members of that trans team. At first ang purpose ko lang is mabawasan yung load namin sa lectures and magkaroon ng reliable trans para sure pass sa exams and quizzes but then noong sumisikat na yung patho trans namin masyado akong natuwa sa praises ng ibang tao. Kaya kahit ayaw tumulong ng iba kong kasama kasi di nila kaya magmulti-task nagmulti-task ako and gumawa ako ng trans sa other subjects na naging goal ko na pampa-destress is yung recognition. Lumaki ulo ko na napabayaan ko yung pag-aaral ko. Akala ko may nareretain sa utak ko kada transcribe ko pero hindi pala. Pagdating ng majors halos namemental block ako. And nakakahiya kasi ang galing naming gumawa ng trans pero bagsak bagsak naman ako. So para san pa ang recognition? Dito na nag-start na magcram kasi ang takaw sa oras magtranscribe and halos kinakabahan na ako sa lahat ng subjects kasi di ko alam if papasa ako or not. But thankfully yun napasa ko naman yung 6/8 kong subjects. Sobrang naging sabog yung study habits and time management ko. Dito ren ako nagkaroon ng false self-confidence na once ginawa ko yung mga tips na napapanood ko sa youtube is ill be fine. BUT NO! Kabaligtaran ang nangyare. Unang-una, iba ang curriculum ng other schools sa olfu and pangalawa, iba iba tayo ng priorities and body clock. Kaya be careful sa mga napapanood niyo, and be true to yourself. Do not punish yourself if di mo kaya maging sila kasi ikaw lang ang nag-iisang (insert your name)

Kamusta ang pagiging irreg med student?

Kapalit ng pagod ko last yr eto naman mas ikinaluwag ng time ko ngayon kasi apat lang subjects ko and mas nakakapgfocus na ako sa mga nabagsak kong subjects. Nakakatulog na ako ng mahimbing at nakakasama pa sa family gatherings and do some of my hobbies and interests. Eto rin yung time kung saan mas lalo ko pa nakilala yung sarili ko and to expand experiences with limitations. Marami din akong realizations, which is eto na yung binabasa nyo ngayon. So bakit naging ganito na yung format ng blog ko? Wala lang I just want to be transparent with you, ayoko ipakita lang yung good experiences ko or ipakita yung good side ko lang but I also want you to see ano yung naeexperience ng isang med student in actual life. Alam ko iba iba tayo ng karanasan and I am proud to share with you my actual life experiences. Kasi isa ren to sa pagdocument para makita ko few years from now ano mga naging improvements ko and ano pa dapat kong iimprove.

Thank you for sharing your time with me sa pagbabasa ng blog ko. And hey, feel free to comment down below or message/add me via discord account (Dr. Romainetic#4274) if you just want to talk to about your med school life or anything (basta appropriate haha) and you need a friend 😉 nagrereply naman ako pakilala lang kayo.

4 thoughts on “Irregular 2nd Yr Medical Student

  1. M. says:

    Hi, Doc. I would go to this site from time to time in between breaks. This made me feel better. As of now, I am struggling with most 2nd year subjects.

    Thank you for this.

    Liked by 1 person

Leave a comment